Tugma na Lalabindalawahin (12) ang Sukat Tungkol sa Pagtitiwala. Halimbawa ng Maiksing Tula
![]() |
May hangganan din ang pagtitiwala. reluctantxtian.wordpress.com |
Ni: Tess C. Alikpala
Ang pagtitiwala'y mayroong hangganan,
Gaya din ng alon sa dalampasigan,
Dapat na harangin nitong kapatagan,
Nang maibsan nga itong kalakasan.
Dahil nakawawasak ng buhay at tao,
Kung dibdib ay hulog sa pakikitungo,
Dapat na palaging ituon ang wisyo,
Sa paligid na imbi at sama ng mundo.
Kung ang tiwala ay dagling ibibigay,
Baka mapahamak sa daan ng buhay,
Ang masasalubong titigan ng tunay,
Upang makilala kung ano ang kulay!
(luksong-tinik 2012)
Pagtitiwala - tula ni Tess C. Alikpala - halimbawa ng tula tungkol sa pagtitiwala.
Iba pang tagalog na tula ni Tess C. Alikpala
1. Simsim - tula para sa mga dalaga