Quantcast
Channel: Halimbawa ng mga Tagalog na Tula
Viewing all articles
Browse latest Browse all 25

Tagalog na Tula Tungkol sa Kalikasan

$
0
0
"Isang paglalarawan ng mga pagkasira ng mga kabundukan at ganda ng ating kalikasan dahil lamang sa iilang tao na ganid at walang inisip kundi ang magkamal ng sandamakmak na salapi. Ni hindi yata isinasaalang-alang ang susunod na henerasyon ng ating bansa. Isang saludo para sa sumulat. Mabuhay ka!"


Homonhon Island

Isla ng Homonhon
ni: Naty Martinez

Isla ng Homonhon kay gandang pagmasdan
Sa gitna ng dagat tila nakalutang
Ako’y nananabik ika’y mapuntahan
Nang maibsan naman yaring kalungkutan.

Tatlumpu’t dalawang taong nakalipas
Nang huling madalaw at ganda’y mamalas
Sana isang araw makamtan ang lunas
Nitong kalungkutang aking dinaranas.

Nalulungkot ako sa tuwing makikita
Sa mga litratong inilalathala
Bundok na kay ganda ngayo’y sinisira
Ng mga dayuhang hayok sa biyaya.

Oo nga’t ang iba doo’y kumikita
Sa yaman ng isla bigay ni Bathala
Nguni’t sana naman maisip din nila
Ang kahihinatnan bukas-makalawa.

Huwag nating hayaang tuluyang mawasak
Islang minamahal sa ganda’y busilak
Ang sinumang taong doon ay mapadpad
Angking ganda nito’y hahangaang tiyak.

Kaya’t di mawaksi sa puso’t isipan
Isla ng Homonhon baryo Casuguran
Sana isang araw muling masilayan
Ang napakagandang lupang sinilangan.

Iba pa:

Isang Halimbawa ng Tagalog na Tula
Maikling Tagalog na Tula

Side Note:

“Homonhon Island is located in the southern tipmost of Eastern Samar and is under the municipality of Guiuan, Eastern Samar. Historically speaking, Homonhon Island is the place where Ferdinand Magellan first landed.”
---Naty Martinez

Viewing all articles
Browse latest Browse all 25

Trending Articles


NANLUMO


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


Suspek sa pagkakasagasa sa mag-ama, kinasuhan na


Pawnshop sa Iloilo City hinoldap


KALIWA’T KANAN ANG ILIGAL NA PASUGALAN ‘DI MATINAG


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Luha Ng Buwaya


Mga kasabihan at paliwanag


BUSABOS


SARILI


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


4-anyos anak minolestiya ng tatay


Chinese tourists balot na balot vs nCoV


RTC Quezon City, Pasay City convict four employers for non-remittance of SSS...


Ina Raymundo, nilayasan ng asawa


Pulis ‘Lubog’ sinabon ni NCRPO dir. Albayalde


Tundo Man May Langit Din


SULASOK


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>